Umaabot na sa halos limang milyong indibidwal ang fully vaccinated laban sa nakamamatay na COVID-19 mula July 20.
Pagbabahagi rin ni presidential spokesperson Harry Roque na nakapagbakuna na ang bansa ng 15.6 million doses ng iba’t-ibang COVID-19 vaccines, simula ng ilunsad ng gobyerno ang anti-coronavirus inoculation campaign noong Marso.
Dagdag ni Roque, 10,585,261 indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang 5,031,301 sa kanila ang nakatanggap ng second dose o fully vaccinated.
Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng pitong milyong tao hanggang sa katapusan ng Hulyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD
