Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa tinaguriang Fireworks Capital of the Philippines sa Bocaue, Bulacan ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Kasama rin sa isinagawang inspeksyon sina Police Regional Office 3 director Brigadier General Jose Hidalgo Jr. , Bulacan Governor Daniel Fernando at ilan pang opisyal.
Ayon kay Gen. Acorda, layon ng isinagawang inspeksyon na masigurong walang mga ipinagbabawal na mga paputok na binebenta rito.
Responsibilidad aniya ng PNP na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng publiko habang papalapit ang pagdiriwang ng bagong taon.
Sinabi pa ng PNP Chief , na ang PNP, LGus at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay naninindigan sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas dahil hangad nila ang mas ligtas at masayang bagong taon para sa lahat.