National Security Council, tiniyak ang mas maayos na pagtugon sa WPS

Winelcome ng National Security Council (NSC) ang pinakahuling OCTA survey na nagpapakitang karamihan sa mga adult Filipinos ang sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtugon sa girian sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ang resulta ng naturang survey ay may 15% na increase sa public support hinggil sa issue ng WPS.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, kinikilala nila ang suporta ng mga Pilipino, at tinitiyak nila sa publiko na laging pagbubutihin ng NSC ang national interest at pagprotekta sa soberanya at territorial integrity sa lahat ng pagkakataon.

Maliban sa mga ito, sinasabi rin sa pag-aaral na nasa tamang track ang foreign at security policies ng bansa, kabilang na ang pagpapatibay sa partnership, at sa mga kaalyansa at kaibigang bansa.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na aasahan ng publiko ang mas maayos ng pagtugon ng Pilipinas sa issue ng WPS sa susunod na taon.