PNP Cauayan City, nakaalerto kaugnay sa nalalapit na paggunita ng undas

Nakaalerto na ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station kaugnay sa nalalapit na paggunita sa Undas sa lunsod.

Magugunitang naglabas na ang lokal na pamahalaan ng Execuitve Order No. 80 na nagsasaad ng pansamantalang pagsasara sa mga public at private cemetery sa syudad simula October 29 hanggang November 4, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, sinabi niya na mayroon na silang mga itatalagang kapulisan para mamonitor ang pagpapatupad ng naturang kautusan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, mahigpit nila itong tututukan upang walang malabag na health protocols at maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementero gayundin ang hawaan ng corona virus.

Kaugnay sa inilabas na EO ay bawal na aniyang dumalaw sa mga semeteryo sa syudad sa mga nabanggit na petsa.

Kaya naman, pinayuhan ang publiko na dalawin nalang ng mas maaga at linisan ang puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon pa kay PLt. Topinio, sa nagdaang taon na paggunita sa Undas kung saan ganito rin ang ipinatupad na panuntunan ay wala namang nakitang lumabag sa implementasyon ng temporary closure.

Samantala, inihayag din nito na karamihan pa rin sa mga nasisita at nabibigyan ng citation ticket ay ang mga lumalabag sa tamang pagsusuot ng double face mask.

Kaugnay nito ay muling nagpaalala ang opisyal sa mga kababayan na sumunod pa rin sa mga ipinapatupad na panuntunan upang maiwasan ang lalo pang paglaganap ng COVID-19.