CAMARINES SUR- Puspusan ang paghahanda ng PNP Camarines Sur sa pagtitiyak ng kaayusan at kapayapaan ng mga dadalo sa Kaogma Festival 2024.
Ayon kay PMaj. Vic Abalaing tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, halos plantsado na ang seguridad sa loob at labas ng kapitolyo pati na rin sa kalsada. May mga ilalabas na traffic rerouting at kasama rin ang PNP sa magbabantay sa maayos na daloy ng trapiko ang mga otoridad.
Ang Kaogma Festival ang isang linggong makukulay na sari-saring aktibidad, tinatawagding “Hottest Festival”.
Sa Huwebes, May 23, 2024 ang Opening Night at masusundanng gabi-gabing peformances hanggang sa May 27 na siyang Foudation Day ng lalawigan. Kasama sa mga aabangan ang mga celebrity , mga banda at mga performers tulad nina James Reid, Ely Buendia, 6 Cyclemind,Juan Karlos, Rico Blanco, Cup of Joe , Apo Hiking Society, Adie at marami pang iba.