PNP Camarines Sur, pabor na isama ang kanilang pamilya sa mababakunahan vs COVID-19

NAGA CITY- Pabor ang PNP Camarines Sur na maliban sa kanila na nasa A4 priority sa babakunahan, isama ang kanilang pamilya.

Ayon kay PMaj. Louie Dela Peña, tagapagsalita ng PNP sa lalawigan , sinimulan nang bakunahan ang mga pulis na nasa health service at maghihintay naman ng schedule ang iba.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. na pati pamilya ng mga pulis at militar ay makakasama rito.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Para kina Dela Peña, pabor sila rito bilang proteksyon  na rin ng kanilang pamilyang inuuwian, batid ng PNP kung gaaano sila ka expose sa mga posibleng COVID- carrier.