CAMARINES SUR – Muling nagbabala ang Camarines Sur Provincial Police Office o PNP Camarines Sur, laban sa mga sibilyang nagpapakilalang pulis o alagad ng batas suot ang uniporme na ang iba nang loloko pa o naninikil ng pera.
Kaugnay ito sa ilang insidente at pagkakadakip ng ilang sibilyan dahil sa paglabag sa Revise Penal Code Article 117 (U-srpation Usurpation of Authority of Official Functions) and Article 179 (Illegal Use of Uniform or Insignia), at makailan nga isang misis na nagpakilalang pulis nang walang naipakitang ID, ang naaresto sa checkpoint sa Mandaue City, Cebu at maaaring makulong ng dalawa hanggang limang taon. Maging ang personahe na nagpahiram o nagpasuot, ay maaari ring makasuhan.
Sa panayam kay PCPT Marlon Lladoc, Public Information Officer ng CSPPO, muli pinapag-ingat niya ang publiko na huwag basta-basta magtitiwala lalo kung kaduda-duda ang galaw at maaari rin nilang mahingan ng ID o pagkakakilanlan, dahil maging mismo sila mahigpit sa pagpapasuot sa mga personahe o ang tinatawag na tamang pagbihis, at pagdating naman sa pagdisposed ng uniporme sinusunog, indikasyong maliban sa maiwasan ang mga ganitong senaryo, proteksyon na rin sa publiko.