NAGA CITY – Bilang bahagi ng Women’s Month Celebration ngayong Marso, isa sa mga magiging aktibidad ay ang On-Line Trauma Care Session na pangungunahan mismo ng Women and Gender Development Committee sa konseho na ang Chairman ay si City Councilor Gilda Gayle Abonal.
Sa pahayag ni Konsehal Abonal ang on-line session na ito ay ni-request ng Division of City Schools na ang layunin ay mabigyan ng atensyon ang posibleng mga biktima ng pang-aabuso sa mga estudyante at mga guro.
Ayon sa kanya, ang DepEd Naga na ang nag-oorganisa sa mga magiging kalahok katuwang na rin ang Naga City Council for Women ng Bantay-Familia.
Bukod sa naturang programa, marami pang mga aktibidad ang gagawin sa Naga City kaugnay pa rin sa pag-obserba ng Women’s Month Celebration.