PNP Camarines Sur bukas sa pagkakaroon ng Chinese help desk

NAGA CITY- Bukas ang PNP Camarines Sur sa pagkakaroon ng Chinese Help Desk sa mga himpilan, ito ay matapos na matalakay muli ang paglalagay nito sa pag-uusap ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at mga counterparts sa People’s Republic of China (PRC) para sa kaligtasan ng mga Chinese Nationals.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLtCol. Louie Dela Peṅa, tagapagsalita ng PNP Camarines Sur , sinabi nitong sa ngayon wala naman nito ang mga himpilan sa lalawigan subalit mayroon silang Global Police Community Relations para sa mga Overseas Filipino Workers at Foreign National Keepers Network na organisado bilang advocacy group para sa lahat ng dayo sa bansa upang makita ang pagkakapantay-pantay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon, bukod sa ordinaryong desk mayroon nang nakalaan para sa mga Muslim (Salaam Desk) marami raw kaseng mga batas na naiiba sa mga Kristyano kung kaya’t mayroong nakalaan para sa kanila.