PNP, binalaan ang publiko na huwag maniwala sa anti-vaxxers na nagpaplano ng kilos protesta

Nagbabala ang Philippine National Police laban sa publiko na huwag maniwala sa mga grupo na nagbabalak magsagawa ng malawakang kilos-protesta laban sa vaccination program ng gobyerno.

Inihayag ito ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar matapos kumalat sa iba’t-ibang social media platforms ang mensahe ng anti-vaxxers na nanghihimok sa mga netizens na magdaos ng rally ngayong buwan.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sinabi ni Eleazar na nirerespeto nila ang karapatan ng mga tao na magpahayag at pati na rin ang desisyon ng mga ito na tumangging magpabakuna.

Gayunman, iginiit ng PNP chief na ibang usapin na kung hihimukin ng mga ito ang kanilang kapwa na huwag magpabakuna dahil makokompromiso na ang public health.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Hindi naman pinangalanan ng PNP chief ang nasabing grupo na nanghihikayat na magsagawa ng rally.

Tiniyak naman ni Eleazar na gagawa ng ligal na hakbang ang PNP sakaling matuloy ang rally sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant.