PNP Bicol, pinaaalalahanan ang kapulisan tungkol sa kanilang personal na seguridad

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapahalaga ng mga kapulisan sa kanilang personal na seguridad.

Kasunod ito ng pagpatay kay PSSGg. Abel Sevilla kamakailan na siya namang inako ng NPA.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Spokesperson PLt. Col. Maria Luisa Calubaquib, sinabi nito na mahigpit pa rin nilang pinaaalalahanan ang kanilang mga kapulisan tungkol sa mga kaligtasan nito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, hindi nila nakikita at nakikilala ang NPA kahit pa akuin nila ito, at inaamin din niyang exposed ang mga kapulisan na siya ring maituturing na disavantage.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Tiniyak ni Calubaquib, kung magkakaroon man ng casualty, patuloy ang kanilang pagpapaalala sa kanilang mga tauhan.

Hindi naman umano nagkukulang ang kanilang command bago mangyari ang mga kaugnay na kaso.

Samantala, hindi lamang umano seguridad ng kapulisan ang dapat na tiyakin, bagkus ay maging ang kaligtasan ng mga sibilyan.