1st “Pedal para sa Kapayapaan at Kalusugan” ng PRO5, naging matagumpay

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa ang “Pedal” para sa Kapayapaan at Kalusugan” ng Police Regional Office (PRO) 5.

Sa panayam ng Brigada News FM kay PRO5 Spokesperson PLt. Col. Malu Calubaquib, sinabi niya na ang layunin ng isinagawang aktibidad ay ang pagpromote ng peace and order, pati na ang kalusugan sa kadahilanang ang pagbibisikleta ay bahagi ng pagpapanatiling malusog at pagpapahaba ng buhay.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Aniya, bahagi rin ito ng kanilang kampanya laban sa kriminalidad.

Una pa lamang umano ito sa mga Pedal para sa Kapayapaan at Kalusugan upang mapahalagahan din ng mga tao ang health consciousness.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Samantala, ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng aabot sa 500 na mga indibidwal, at ito rin ay nasa pangunguna ni PNP Bicol Regional Director PBGen. Westrimundo Obinque.