BNFM Bicol- INILAHAD ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang kanilang daily operational accomplishments kahapon ng Biyernes na aabot sa P15,776 ang nakumpiskang pinaniniwalaang ‘shabu’ na may tibang na sa 2.32 gramo sa 6 nilang operasyon kontra ilegal na droga.
Arestado ang 4 na itinuturing na mga most wanted persons at 7 iba pang wanted persons sa 11 operasyon. Arestado naman ang 11 katao sa 4 operasyon na isinagawa laban sa ilegal na pagsusugal.
Samantala, mayroon ding 3 operasyon na isinagawa para sa mga ilegal na nagmamay-ari ng armas kung saan 1 ang nakumpiska at 2 ang isinuko. ### Nico Merciales, Intern
Photo from Web