Mahigit isang kilo ng marijuana, nakumpiska sa Pili, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Timbong sa buy bust operation ang isang magsasaka sa Pili, Camarines Sur matapos na makumpiska sa kaniya ang shabu at mahigt isang kilong bloke ng marijuana.

Ikinasa ng operasyon alas-5:18 ng hapon nitong Hunyo 21, 2024 sa pangunguna ng PNP Drug Enforcement Unit sa Barangay Cadlan, kumagat sa pain ng otoridad ang target na si Alyas Totoy , 55-anyos, magsasaka.

Sa kabuohan nagkakahalaga ng PhP 180,000.00 ang halaga ng sachet ng shabu na nakumpiska habang PhP 120,876.00. naman ang marijuana.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Art. II ng f R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PNP sa Pili at mga karatig bayan ang distribusyon ng items nito. Kung hindi nahuli marami pang buhay ang masisira dahil sa bawal na gamot

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors