Opispo ng Virac, Catanduanes pormal nang inordinahan

NAGA CITY- Inordinahan na bilang bagong obispo ng Diocese of  Virac , Catanduanes si Bishop Luisito A. Occiano ng Archdiocese of Caceres.

Ginawa ang ordinasyon nitong Hunyo 21, 2024 sa Our Lady of Peñafrancia Basilica Minore and National Shrine sa Naga City. Pinangunahan ito ni Caceres Archbishop Emeritus Rolando J. Tria Tirona, OCD, DD. Naroon din sina Apostolic Nuncio to the Philippines Charles John Brown; Apostolic Nuncio to Israel and Cyprus Adolfo Tito Yllana at Caceres Archbishop Rex Andrew C. Alarcon, DD., gayundin ang mga representante mula sa mga parokya kung saan nag silbi si Occiano, at mga pari mula sa lalawigan ng Catanduanes , pati malalapit na kaibigan at ilang political officials.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire
Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Si Occiano ay naordinahang pari ng  Archdiocese of Caceres noong 1996. Gagawin naman ang pormal na installation bilang ikatlong obispo ng Virac sa Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral sa June 26.

Ayon kay Occiano, ang pagtatalaga sa kaniya ng Santo Papa ay hindi promotion kundi isang biyaya at misyon na kaniyang tinanggap.