PNP – AVSEGROUP, muling nagpaalala sa publiko patungkol sa bomb joke

Muling nagpaalala ang PNP- Aviation Security Group sa publiko patungkol sa bomb joke.

Ito’y makaraang maaresto ang isang 65-anyos na Filipino-Canadian matapos magsabing “GRANADA LANG NAMAN LAMAN NIYAN,” nang i-check in ang kanyang bagahe /sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong April 10.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon kay PNP AVSEGROUP Director, PBGen Christopher Abrahano, agad na nagsagawa ng paneling sa kanyang mga bagahe ang EOD/K9 team bilang parte ng security procedures at napatunayan na walang explosives o bomba sa kanyang bagahe.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Agad na dinala sa NAIA Police Station 1 ang naturang indibidwal at posibleng maharap sa kasong paglabag sa PD 1727 o Anti-Bomb Joke Law.