NAGA CITY- Kaliwa’t-kanan ang check point ng Philippine National Police ngayong nalalapit na ang Halalan 2022 at nagsimula na rin kahapon ng local campaign period.
Layunin nito hindi lamang ang makakuha ng mga patalim at armas na maaring magamit sa krimen kundi ang kapayapaan. Nakatutok din ang PNP katuwang ang Philippine Army sa mga Election Hot Spots. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLtCol. Belle Cereno, tagapagsalita ng Iriga City Police Station, sinabi nitong nakamonitor din sila sa galaw ng mga miyembro ng rebeldeng grupo. Sa ngayon wala namang naiulat na pagpapakita , reklamo o panggugulo ng mga ito sa mga election hot spots.
Maayos din aniya ang koordinasyon nila sa mga kalapit bayan tulad ng Buhi at Bato na may mga kabundukan, malinaw ang kanilang security plan.
Umaasa ang tropa ng pamahalaan na magiging matahimik ang Halalan 2022.