PNP at DOTr bubuo ng special team laban sa iligal na pag e-escort ng mga pulis

Naghahanda na ang Philippine National Police at Department of Transportation sa pagbuo ng isang special team laban sa mga pulis na iligal na nag-e-escort ng mga VIP.

Ito ay bahagi ng ginagawang hakbang ng kapulisan para labanan ang “moonlighting” na posibleng kasangkutan ng ilang miyembro nito.

Ang mga nasabing team ay kinabibilangan ng DOTr, MMDA, HPG, at Integrity Monitoring and Enforcement Group.

Mag o-operate ang nasabing special team sa buong bansa para magsagawa ng random inspection sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *