Mahigit 300 mga kandidato sa Bicol, nag-withdraw ng kanilang kandidatura – COMELEC Bicol

LEGAZPI CITY – Ilang araw bago ang eleksyon sa barangay at Sangguniang Kabataan, may ilang mga kandidato na sa Bicol Region ang nag-withdraw ng kanilang kandidatura.

Kinumpirma ito ni Commission on Elections (COMELEC) Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza sa Brigada News FM Legazpi.

Sa datos ng kanilang tanggapan, mula sa 120,000 na mga kandidato sa buong rehiyon, 313 dito ang nag-withdraw.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Bagama’t hindi pa naglalabas ang komisyon ng datos para sa bawat lalawigan, sinabi na ni Valeza na maraming naitalang winthdrawals sa Masbate.

Hanggang ngayon, hindi pa matukoy ni Valeza ang totoong dahilan ng mga kandidato kung bakit sila umatras, ngunit hindi rin niya inaalis ang posibilidad na political rivalry ang isa sa mga dahilan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang mga nag-withdraw umanong kandidato ay binubuo ng iba’t ibang mga posisyon hindi lamang sa barangay kundi maging sa Sangguniang Kabataan.

Samantala, inihayag din ni Valeza na sa ngayon ay nagpapatuloy ang deployment ng mga uniformed personnels saan mang lugar sa rehiyon upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa paparating na eleksyon.