PNP-ACG at CWC nagsanib-pwesa kontra OSAEC at CSAEM

Nagsanib-pwersa ang PNP Anti-Cybercrime Group at Council for Welfare of Children o CWC para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials.

Ito’y makaraang lumagda ang 2 tanggapan sa isang Memorandum of Understanding.

Ang hakbang ay matapos maitala ang 66 na mga batang biktima ng child abuse sa unang kalahati pa lamang ng taong 2024.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Nakasaad sa ilalim ng MOU, tutugon ang PNP ACG Women and Children Cybercrime Protection Unit sa mga kasong irereport ng MAKABATA Helpline 1383 ng CWC.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Ang naturang helpline ang tumatanggap ng mga ulat ng pang-aabuso sa mga bata sa pamamagitan ng tawag, email, o social media at inire-refer ang mga ito sa pulisya para sa nararapat na aksyon.

Layunin nito na tugunan ang tumataas na bilang ng mga biktima partikular na sa mga modeling scams at child beauty pageants.