NCR, target buksan ang COVID vaccination para sa residente ng mga kalapit na probinsya

Nakatakdang buksan ng Metro Manila ang kanilang COVID-19 vaccination program para sa mga residente mula sa mga kalapit na probinsya.

Una nang kasing nagkasundo ang Metro Manila Council na i-adopt ang “Vax as One” scheme, kung saan ang mga local governments na halos naabot na ang kanilang vaccination targets ay maaring mag-accommodate ng mga nonresidents na gustong magpabakuna laban sa COVID-19.

Read More:  Marcos laughs off Sara Duterte’s claim that administration is blocking 2028 elections

Ayon kay MMC chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, inaayos lang nila ang online registration, dahil hindi sila tumatanggap ng walk-in upang hindi magkagulo.

Read More:  DILG seeks tighter social media limits for children

Dagdag ni Olivarez, ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakapagbakuna na ng 80 percent para sa first dose ng kanilang eligible population, habang nasa 45 percent naman para sa second dose. // MHEL PACIA-TRINIDAD