Plea deal ng KOJC administrator na si Duenas, senyales daw ng nalalapit na pagpapanagot kay Quiboloy

Itinuturing na mahalagang hakbang ni Senadora Risa Hontiveros ang ginawang ‘plea deal’ ng long-trusted administrator ng Kingdom of Jesus Christ na si Marissa Duenas sa pagpapanagot kay Apollo Quiboloy.

Kasunod nito, umaasa si Hontiveros na makakaya ring makipagtulungan sa awtoridad ni Duenas sa paglantad ng katotohanan hinggil sa mga patung-patong na kasong kinahaharap ni Quiboloy kabilang na rito ang human trafficking.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Nanawagan naman din ang senadora sa Department of Justice na i-extend ang anumang legal assistance na kailanganin ng mga kapwa akusado ni Quiboloy kung sakaling mapagdesisyunan ng mga ito na magsalita.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Sa huli, binigyang-diin ng senadora na dapat lang mapanagot si Quiboloy at ang mga kasabwat nito na siyang nang-abuso sa kababaihan, kabataan at maging sa iba pang bulnerableng miyembro ng lipunan.