Mahigit P200k na halaga ng cannabis-infused vapes, nasabat sa Port of Clark

Tinatayang nasa mahigit dalawandaan at limampung libong pisong halaga ng cannabis-infused vapes ang muling tinangkang ipasok sa bansa.

Ang shipment na mula sa Estados Unidos at idineklarang label marker machines ay naharang sa Port of Clark matapos madetect sa xray na may illegal subtance.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Nang buksan ang parcel, nadiskubre ang nasa 100 piraso ng mga vape na may halong marijuana.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Itinurn over na sa PDEA ang mga nasabat na vape at kakasuhan na ang consignee ng package.