Humingi na rin ng paumanhin ang pamunuan ng Apostolic Vicariate of San Jose sa Mindoro, maging si Parish Priest Rev. Fr. Carlito M. Dimaano kasunod ng viral video ni Julie Anne San Jose habang nagpe-perform ito sa loob ng simbahan gamit ang awiting Edge of Glory at Dancing Queen.
Sa statement na inilabas sa official Facebook page ng simbahan, sinabi nitong inaako na ni Fr. Dimaano ang full responsibility sa lahat ng nangyari.
Binibigyang-pansin umano nito ang mga pagkakamali, at humihingi na siya ng tawad para rito.
Nag-sorry na rin ang simbahan para sa lahat ng mga na-offend sa video, at humihiling sila ng kapatawaran.
Samantala, lesson learned na rin daw si Julie Anne sa nangyari.
Sa kanyang social media, humihingi rin siya ng paumanhin, lalo pa’t ang intensyon niya lang naman ay ibahagi ang saya at suporta para sa simbahan sa tulong ng benefit concert.