Planting period, magsisimula na ngayong Hulyo – DENR Bicol

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol na posible nang magsimula ang planting period sa buwan ng Hulyo ngayong taon.

Ayon kay DENR Bicol OIC Assistant Regional Director for Technical Services Atty. Ronnel Sopsop, sa unang dalawang kwarter ng taon ay nakatuon ang kanilang mga programa sa produksyon dahil kasagsagan pa ito ng El Niño.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tatagal umano ang planting hanggang buwan ng Disyembre at kasama na rin dito ang maintenance and protection sa mga tinanim.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaugnay nito, nanawagan si Sopsop sa mga lokal na komunidad at LGUs na tulungan ang kanilang ahensya sa pagpapanatili nito.

Kumpiyansa naman siya na magsu-survive ang lahat ng kanilang itatanim ngayong pumasok na ang rainy season.