Suportado ng PBA coaches na sina Norman Black, Chito Victolero, at John Cardel, ang plano ng liga para sa pagbabalik ng 2021 Philippine Cup sa ilalim ng “semi-bubble” format sa Pampanga.
Sinabi ni Black ng Meralco Bolts, na gagawin nila ang lahat nang pwedeng marekomenda para sa conference upang muling masimulan ang liga matapos itong masuspinde noong August 3 dahil sa banta ng Delta variant.
Ipinunto ni Black na talagang mahirap ang stiwasyon ngayon, at maraming tao na ang nagdurusa.

Ganito rin ang sentimyento nina Victolero ng Magnolia at Cardel ng Terrafima kung saan ay nais nilang ipaubaya ang lahat sa liga at sa pamunuan nito katulad ng ginawa nila sa nagdaang conference.
Bago nasuspinde ang mga laro ay nasa ibabaw ng team standings ang Magnolia kung saan ay meron itong 4-0 win-loss card habang nasa ikatlong pwesto naman ang Meralco na may 4-1.
Nanatili naman winless ang Terrafima sa kanilang 0-4 record.