COA, inalmahan ang P780.71-million na halaga ng ayuda na hindi nagamit ng DSWD sa gitna ng lockdowns

Napuna ng Commission on Audit ang kabiguan ng Department of Social Welfare and Development na magamit ang mahigit P780.71-million na halaga ng ayuda para sa mga Pilipino na apektado ng lockdowns na ipinatupad para makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Sa annual repart para sa 2020 ay sinabi ng COA na meron unutilized cash aid ang mga DSWD Field Offices sa Cordillera region at sa Regions 2, 7, 8, at 11.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ipinunto ng state auditors na dahil ito sa pagkakasama ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo sa master list, na dahilan kung bakit hindi naabutan ng tulong ang tinatayang 139,300 na pamilya na kwalipikado sa programa.

Iginiit ng COA na kasama sa nasabing bilang ang 14,200 na pamilya sa Corillera region, 4,762 na pamilya sa Region 2, 28,978 na pamilya sa Region 7, 45,609 na pamilya sa Region 8, at 45,751 na pamilya sa Region 11.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Inihayag naman ng state auditors na mahalagang ma-evaluate ng maayos ang mga target beneficiaries sa pamamagitan ng tamang koordinasyon at monitoring lalo na ngayon ay kulang ang resources ng gobyerno.

Ipinunto rin ng COA na kailangan ang episyienteng validation na pwedeng mag-maximize sa bilang ng kwalipikadong benepisyaryo na pwedeng makinabang sa social amelioration program.