Plano ng flood control, dapat maging national plan – Pangulong Marcos

Malaking bahagi ng Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon ang nalubog sa baha dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

Sa pag-iikot ni Pangulong Bongbong Marcos kabilang sa Mauban, Quezon, napansin ng Pangulo na may pangangailangang ayusin ang flood control design.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Sa situation briefing sa Mauban, Quezon, ipinunto ng Pangulo na hindi nangingilala ng boundary ang tubig kaya dapat maging national plan ang flood control na sumasakop hindi lang sa isang bayan kundi mapapakinabangan din ng hanggang limang magkakatabing rehiyon.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Kailangan din anyang iayon ang mga flood control sa kasalukuyang panahon, at ikonsidera ang climate change tulad ng pagtaas ng tubig dagat.

Dahil ang mga kasalukuyan anyang flood control ay naka disenyo lang sa klase ng baha noon.