Limay Mayor, nilinaw na wala pang industrial fuel na tumagas mula sa MT Terra Nova

Hindi pa tumatagas ang 1.4million liters na langis na dala-dala ng lumubog na MT Terra Nova.

Ito ang kinumpirma ni Limay, Bataan Mayor Nelson David sa isang panayam.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Aniya, lumabas sa nagpapatuloy na pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 500 lieters pa lang daw ang tumagas na langis.

Ibig-sabihin, ito ay ‘yung langis na nagmula mismo sa barko, at ‘intact’ pa rin ang karga-karga nitong industrial fuel oil.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Sa ngayon, umaasa silang maaagapan ito nang sa gayon ay hindi na lumabas ang kargang langis ng tanker, at hindi na ito makapinsala pa sa karagatan.