Isang montero, nag-self crash sa Española; mga sakay, nagkasugat at may bukol

Nagtamo ng sugat, bukol, sa katawan ang apat na sakay ng Montero matapos itong mag-self crash bandang alas dose ng tanghali kanina sa bahagi ng national highway sa Barangay Labog sa bayan ng Sofronio Española, Palawan.

Ayon kay Kapitan Isaac Arcona ng Barangay Labog, kung saan unang nagresponde sa mga biktima, ligtas naman daw ang apat na sakay nito at agad dinala sa Southern Palawan Provincial Hospital ng Española.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

Base sa mga kwento ng mga naka-saksi sa aksidente, tatlong beses umano nagpaikot-ikot ang sasakyan kaya nagkasugat at may bukol ang mga sakay nito.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Napag-alaman mula kay Kapitan Arcona na madalas may mga aksidente sa lugar, lalo na kapag umaambon at basa ang daan bago ang pangyayari.

Ang nasabing sasakyan ay mula sa bayan ng Brooke’s Point patungo sana sa Lungsod ng Puerto Princesa.