Pitong pulis sa Bulacan na nakapatay sa anim sa peke umanong buy-bust operations, nahaharap sa kasong murder

Nahaharap sa patong-patong na kaso ng murder at arbitrary detention ang pitong pulis mula sa Bulacan na nakapatay sa anim na passerby noong Pebrero ng nakaraang taon.

Nasampahan ng anim na kaso ng murder at anim na kaso ng arbitrary detention ang mga pulis na sina:

– Police Staff Sergeant Benjie Enconado

– Police Staff Sergeant Irwin Joy Yuson

– Police Corporal Marlon Martus

– Police Corporal Edmund Catubay, Jr.

– Police Corporal Harvy Albino

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

– Police Corporal Herbert Hernandez

– Patrolman Rusco Virnar Madla

Nakasuhan sila dahil akusasyong “baseless and unlawful detention, and eventual killing” sa mga indibidwal na tinawag bilang “innocent victims” na sina Chamberlain Domingo, Chadwin Santos, Edmar Aspirin, Richard Salgado, Erwin Mergal at Jim Joshua Cordero.

Ayon sa panel ng Department of Justice ay sapilitang hinuli ng pitong pulis ang anim na biktima nang walang dahilan sa Towerville, Barangay Sto. Cristo sa San Jose del Monte, Bulacan noong February 13, 2020 at tinrato ang mga ito na parang mga drug suspects.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Patuloy na kinulong ng mga pulis ang mga biktima sa isang kwarto sa San Jose Del Monte Bulacan polistce station kung saan ay piniringan ang kanilang mata at tinali ang mga kamay.

Hinala ng DOJ, napili ng mga pulis na dakpin ang mga biktima dahil nagkataong napadaan ito sa lugar nang isagawa ang pekeng buy bust operation.

Base sa isang press statement ay umasa ang DOH sa naging salaysay ng ilang testigo na inutusan na bantayan ang mga biktima habang sila ay nakakulong