Camarines Norte nasa Alert level 3 ng COVID- 19

CAMARINES NORTE – Nasa Alert level 3 ang lalawigan ng Camarines Norte sa COVID- 19.

Kaugnay nito ay inilatag ng Department of Health (DOH) ang “Action points” sa ganitong alert level.

Ito ay ang case detection kung saan importanteng mahanap ang clusters at super spreading events upang maipaliwanag ang pagtaas ng mga kaso.

Importanteng maka- secure din ng samples mula sa priority areas para sa Genome Sequencing.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dapat din umanong magkaroon ng aggressive community testing lalo na sa mga lugar na mayroong Delta variant

Sa ngayon ay wala pang kaso ng Delta variant sa lalawigan.

Dapat ding masiguro na lahat ng close contacts ng mga nagpositibo ay mahahanap, mati- test at maisailalim sa quarantine.

Importante ring ma- improve ang referral system  at upang ma decongest ang mga ospital ay iminumungkahi ang pagpapalakas sa Telemedicine, home care packages at step down care facilities

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kailangan din ang reprioritization ng vaccine deployment and logistics at iba pang resources na kailangan sa mga lugar na tumataas ang mga kaso.

Dapat din umanong iwasang gawing vaccination site ang mga ospital bilang paghahanda sa posibilidad ng pag surge ng mga kaso.