Karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V vaccine na natanggap ng Pilipinas, gagamitin para sa 2nd dose

Natanggap na ng Pilipinas ang 15,000 doses ng Spunik V Component 2 COVID-19 vaccine kagabi.

Inaasahan na magagamit ang bagong suplay ng Sputnik V vaccine bilang second dose ng mga indibidwal na naturukan na nito.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-10 ng gabi.

Matatandaan na sinimulan ng gobyerno ang vaccination drive nito noong March 1.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kabilang sa mga brands na na-deliver na sa Pilipinas ay ang Sputnik V, Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, at AstraZeneca.

Base sa huling ulat ng gobyerno ang pumalo na sa mahigit 13-million ang bilang ng mga indibidwal na nakakumpleto na ng kanilang pagpapabakuna.