OKLAHOMA— Ikinagulat ng mga beterinaryo sa Oklahoma City ang pagkaka diskubre sa isang Pitbull na may hindi pangkaraniwang katangian.
Dahil walang nagmamay-ari, dinala ng mga otoridad ang grey Pitbull na si Toad sa Oklahoma City Animal Welfare shelter upang ipasuri sa mga beterinaryo ang kanyang kalagayan.
Dito natuklasan ng mga ito ang kakaibang katangian ni Toad, nang matagpuan sakanyang kanang tenga ang isa pa niyang bibig.
Mayroon itong mga developed na ngipin at nakitaan din ito ng ‘mucus’ o laway. Ganunpaman, hindi ito maikokonsidera bilang isang ganap na bibig sapagkat wala itong panga.
Ayon sa mga sumuring eksperto, maaaring mayroong kakambal si Toad noong siya ay nasa sinapupunan ng kanyang ina ngunit posible aniyang ito ay kanyang na-absorb kaya’t hindi na developed ang kanyang kakambal.
Matapos na maibalita ng media ang tungkol sakanyang kalagayan at dahil wala ring nagmamay-ari sakanya, in-adopt na lamang siya ng isang nagngangalang Heather Hernandez na founder ng isang animal charity.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol