Pilot run ng limited face-to-face classes sa Naga City sinimulan na

NAGA CITY- May plastic barrier, magkakalayo ang upuan, may mga distant markers, thermal scanners, alcohol sa bawat sulok at marami pang iba.

Ito ang makikita sa Panicuason Elementary School sa Naga City, ngayong araw sinimulan na ang pilot run ng limited face-to-face classes kaya ang nasabing mga kagamitan ay magagamit na ng aktwal para sa mga mag-aaaral.

Inihayag sa Brigada News FM ni Naga City Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman na ang mga lalahok ay ang mga pinayagan ng magulang. Tatlong araw sa isang linggo ang limited face-to-face classes habang modular/blended pa rin ang sa ibang araw.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Hiwalay ang entry at exit points points habang ang mga bata ay ihahatid at susunduin ng mga magulang.

Inihayag sa BNFM ni Punong Barangay Domingo Ramos na handang-handa ang council para rito, simula sa mga Barangay Health Workers na aalalay sa paaralan pati mga barangay tanod na titiyak na nasusunod ang health protocols at kaligtasan sa kalsada. Sa pagtataya nito aabot sa 40 ang estudyanteng papasok mula Kinder hanggang Grade 3.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang Panicuason Elementary School ay kaisa-isang paaaralan sa Naga na sasabay an sa nasabing sistema, kabilang sa labing isang paaraman sa Bicol na bagong inaprubahan ng DepEd Central Office.

Ang Barangay ay nasa paanan ng Mt. Isarog. May mga araw na wala nang COVID case sa Naga. Anumang oras na may estudyante o magulang na may sintomas ng COVID-19 sususpendihin muna ang limited face-to-face classes.