Tuluy-tuloy ang panawagan ng mga transport groups sa mga komyuter na sana raw ay maunawaan sila sa kanilang mga isinasagawang tigil-pasada.
Ginawa ni PISTON national president Ka-Mody Floranda ang apela kasabay ng kasadong transport strike ng kanilang grupo’t ng MANIBELA simula bukas.
Muli namang nilinaw ni Floranda na ‘di naman sila tuluyang tutol sa PUV Modenrization Program, epro sana naman daw ay hindi sila basta-basta mawalan ng kabuhayan.
Bukas – lalarga ang kanilang protesta’t caravan, alas-otso ng umaga.