Nananatiling positibo ang grupong PISTON na kakatigan ng korte suprema ang kanilang petisyon.
Ito ay matapos maghain ang Pasang Masda at iba pang transport groups ng motion for intervention na tumututol sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order laban sa PUV modernization at franchise consolidation.
Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, umaasa sila na katigan sila korte ngunit pag dumating sa puntong papaboran ang modernization program ay igigiit nila ang kanilang karapatan dahil ang programa ay hindi isang batas kundi executive order lamang.
Dagdag pa ni Floranda na kapag hindi sila pinaburan ay tuloy ang kanilang laban dahil usapin umano ito ng serbisyo at kabuhayan.
Samantala, nirerespeto naman nila ang ang pananaw ng ibang transport sector hinggil sa PUV Modernization Program dahil sa huli ay korte suprema pa din ang magdedesisyon.