PISTON, magkakasa ng sariling kilos-protesta

Naghahanda na rin ang grupong PISTON ng transport strike upang kondenahin ang naging anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na tuloy ang Public Transport Modernization Program.

Ngayong araw ay muling nagsagawa ang grupo ng kilos protesta sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City upang ipanawagan na payagan pa rin silang makabiyahe at ibalik ang kanilang 5-taong prangkisa.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, magkakasa sila ng mga serye ng kilos protesta hindi lamang sa NCR kundi sa buong bansa.

Read More:  ₱11.6M shabu shipment from South africa seized at Clark Port

Sa ngayon ay wala pang schedule ang kanilang transport strike pero nakikipag ugnayan na siya kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena.