Incumbent poll body chief George Garcia, naniniwalang ‘tama lang’ na na-disqualify ang Smartmatic

Naniniwala naman si incumbent Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia na isang ‘vindication’ ang naging desisyon ng US DOJ na kasuhan na si dating COMELEC chief Andy Bautista at ilang opisyal ng Smartmatic.

Sabi ni Garcia, lumalabas lang daw na tama ang naging desisyon nila na i-disqualify ang Smartmatic.

Sa kabila niyan, sinabi ni Garcia na hanggat wala pang pinal na desisyon ang Korte, at hindi pa sila hinatulang guilty – dapat ay pine-presume na inosente pa rin sila.

Kung maaalala, kahapon lang nang isiwalat ni Garcia ang posibleng konseksyon ng Smartmatic sa mga alegasyong ipinapataw laban sa kaniya.

Sa hiwalay na pahayag, itinaggi na rin ng kumpanyang sila ang nasa likod ng mga offshore bank accounts allegations laban kay Garcia.