Ex-COMELEC chief Andy Bautista, ilang opisyal ng Smartmatic – nahaharap na sa bribery case sa US DOJ

In-indict na ng US Federal Grand Jury ng Florida sina dating Commission on Elections (COMELEC) chairperson Andy Bautista para sa ‘d umano’y pagtanggap ng suhol mula sa suppler ng poll body noong 2016.

Read More:  Malacañang hits Erice’s claim that Marcos cannot jail Romualdez

Ayon sa US Department of Justice – nahaharap si Bautista sa isang bilang ng conspiracy to commit money laundering; at tatlong bilang ng international laundering of monetary instruments.

Kabilang din sa kinasuhan ang isa sa mga co-founder ng Smartmatic.

Read More:  BIR extends tax filing deadline amid Habagat, eBIRForms issues

Kung maaalala, si Bautista ang poll body chief nang i-award ang kontrata sa naturang kumpanya, para mag-supply ng mga vote counting machines sa halalan dito sa Pilipinas.