PISTON at MANIBELA – magkakasa ng serye ng mga tigil-pasada simula sa Lunes

Labing-siyam na araw pa bago ang deadline ng Franchise Consolidation para sa PUV Modernization Program – kasado na ang malawakang kilos-protesta ng MGA grupong PISTON at MANIBELA na magsisimula sa darating na lunes, April 15.

Sa pulong balitaan – sinabi ni MANIBELA chairman Mar Valbuena na magtutuloy-tuloy ang protesta hanggang sa matapos ang deadline ng franchise consolidation.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Nanawagan din si Valbuena kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang taumbayan.

Aniya, ang mga mahihirap, mga driver at mga operator ang dapat pakinggan ng Pangulo na manatili ang kanilang hanapbuhay, at hindi tanggalan ng hanapbuhay.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi pa ni Valbuena na parang ‘trip-trip’ na lamang kung tanggalan sila ng hanapbuhay at hindi raw ito makatao at makatwiran

Matatandaang inanunsyo kahapon ni Pangulong Marcos na hindi na palalawigin pa ang deadline ng consolidation sa April 30.