Pista ng Itim na Nazareno, mas banal at mas maayos – pari

Naniniwala si Father Hans Magdurulang, Parochial Vicar at tagapagsalita ng Nazareno 2024 na may pagbabago na magaganap sa paggunita sa Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Magdurulang, manunumbalik ang Traslacion 2024 na mas banal at mas maayos na pagsasagawa ng selebrasyon.

Kinumpirma rin ng pari na tuloy ang pahalik sa Quirino Grandstand mula January 6 pagkatapos ng 6:00PM na misa hanggang January 9.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sinabi ng pari na papayagan din ang pagbabato at pagpahid ng towel sa tulong ng mga alagad.