Ecowaste Coalition, nagsagawa ng ‘Iwas Paputok Campaign’ sa Caloocan City

Nananawagan ang Ecowaste Coalition sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga opisyal ng Barangay.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nag-ikot ang grupo sa Barangay 176 sa Bagong Silang sa lungsod ng Caloocan.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng Eco Waste Coalition, kaisa sila sa pagpapatupad ng total ban sa paggamit ng paputok.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa ni Lucero, dapat maghipit ang Gobyerno sa pagpapatupad ng batas laban sa illegal na paputok lalo na sa Divisoria na naglipana ang mga nagtitinda nito.