Umaabot sa P2,047,514,850.99 ang halaga ng pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa Rehiyon Dos simula February 22 hanggang May 8 taong kasalukuyan.
Base sa pinakahuling datos na ibinahagi ni Kay Olivas, Regional Technical Director for Research and Regulation ng Department of Agriculture Region 2, naitala ng Isabela ang pinakamalaking porsiyento ng nasirang pananim na nasa 63% , sinundan ng Quirino 19.07 percent, Nueva Vizcaya 15.92 % at Cagayan na 2.01 %.
Aabot naman sa 45,745.97 na ektarya ang apektado , 37,191.16 (ha) ay partially damaged at 8,554.81 (ha) ang totally damaged habang 43,942 na magsasaka ang apektado.
Umaabot naman sa 117,052.52 metric tons ang estimated yield losses.
Patuloy naman ang pamamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka ng mga interbensiyon sa mga apektadong magsasaka kabilang na ang tulong pinansiyal, production assistance, pagbibigay ng water pumps, at cloud seeding operations.
Samantala, naghahanda na rin ang ahensiya sa epekto naman ng posibleng pagtama ng La Niña sa bansa