PAPA Gadon at DSWD Sec. Gatchalian, nagkausap na raw kasunod ng pahayag na haka-haka lang ang kahirapan sa bansa

Nagkausap na raw sina Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon at si DSWD Sec. Rex Gatchalian kasunod ng umano’y pahayag ni Gadon na haka-haka lang ang kahirapan sa bansa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa panayam ng Brigada News FM kay Gadon, sinabi nitong ayaw at hindi gusto ni Gatchalian na pinag-aaway silang mga opisyal ng pamahalaan.

Samantala, una nang pinabulaanan ni Gadon na may sinabi siyang ‘haka-haka’ lang ang kahirapan sa Pilipinas.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa katunayan nga raw ay gumagawa pa siya ng mga hakbang para lang makatulong sa mga mahihirap.