Pinsala sa sektor ng Agrikultura dahil sa El Nino, umabot na sa P100 million

Bagama’t hindi pa umabot sa sukdulan ang matinding klima, lumobo na sa mahigit P100 milyon ang pinsala at pagkalugi na natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa El Niño phenomenon.

Mula sa mga datos ng Department of Agricultures (DA) sa regional field offices nito sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula, umabot na sa kabuuang P109.4 milyon ang pinsala sa mga pananim na dulot ng tag-tuyot.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Mas mataas ito kaysa sa inisyal na P717,500 halaga ng pagkalugi na iniulat noong Enero 24.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

May kabuuang 4,738 metric tons ng bigas ang nasira.

Inaasahan naman ng PAGASA na aabot sa 14 na probinsya ang makararanas ng dry spell sa pagtatapos ng buwan.