Pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng kambal na bagyong Kristine at Leon – lumobo pa sa P11.2-B

Lumobo pa sa P11.2 bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura dulot ng mga bagyong Kristine at Leon.

Tinatayang nasa 7.9 milyong tao ang naapektuhan kasama ang 743,000 na nawalan ng tirahan sa 1,980 evacuation centers.

Pumalo naman sa 150 ang bilang ng mga namatay habang 30 pa ang nawawala.

Nakapagtala rin ng P6.8 bilyon na pinsala sa imprastruktura kung saan ang pinakamalaki ay sa Bicol Region na pumapalo sa P5 bilyon at P4.4 bilyon sa agrikultura.

Dumating naman ang dalawang helicopter mula sa Indonesia upang tumulong sa disaster relief efforts.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang Office of Civil Defense (OCD) sa pamamahagi ng dalawang milyong food packs at tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo.