Pinoy sailors sa binombang Turkish-owned ship, ligtas ayon sa DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na ligtas ang mga tripulanteng Pinoy ng Turkish-owned ship na inatake ng Russia sa may baybayin ng port city ng Ukraine na Odessa.

Sinabi ng Yasa Holding, na Turkish owner ng nasabing barko, sa mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Turkey na hindi naka-onboard ang lahat ng mga tripulante, kabilang na ang 11 Pilipino nang mangyari ang insidente.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Iginiit nito na hindi nasaktan ang mga Pilipino at ligtas ang kanilang lagay.

Ipinunto naman ng DFA na natawagan na ng Filipino crewmembers ng naturang barko ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Samantala, sinabi naman ng DFA na patuloy na makikipag-ugnayan sa Yasa ang Embahada ng Pilipinas at ang Consulate General sa Turkey sakaling kailanganin ang anuman tulong para sa mga Pilipinong crew members.