Pinabagsak ng Australian fighter Jason Maloney ang pambato ng Pilipinas na si Aston Palicte sa bantamweight showdown bilang bahagi ng undercard ng Haney-Kombosos fight sa Marvel Stadium in Melbourne, Australia.
Umabot lamang sa Round 3 ang laban matapos tamaan ng malakas na kanan ni Maloney ang Pinoy fighter na nagpa bagsak dito sa luna.

Bagama’t nakabangon pa sampung bilang ng referee hindi na hinayaan ng two-time title challenger na makarecover pa si Palicte at pinaulanan ng sunod-sunod na kombinasyon dahilan para itigil ni referee Ignatius Missailidis ang laban.
Dahil dito naputol ang three-fight win streak ni Palicte at bumagsak falling 28-5-1 (23KOs) win-loss record.
Nasungkit naman ni Moloney tatlong sunod na panalo matapos ang seventh-round stoppage loss Kay WBA/IBF bantamweight champion Naoya Inoue noong October 2020. Hawak ngayon no Moloney ang record na 24-2 (19KOs).