DepEd Naga, paiigtingin ang paglilinis sa classrooms matapos ang 398 Dengue Cases sa Bicol Region

NAGA CITY- Paiigtingin ng Department of Education, Naga City Division ang paglilinis sa mga classrooms lalo pa ngayong tag-ulan.

Sa tala ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) Bicol , 398 dengue  cases ang nairecord mula  Enero 1 hanggang Mayo  21, 2022.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Una nang binanggit sa Brigada News FM Naga ni DOH Camarines Sur Provincial Officer Dr. Rey Millena na dapat mas maging mapagbantay halimbawa sa mga paaralan ngayong may limited face-to-face classes, mas mataas ang exposure ng mga bata sa labas.

Kaugnay nito sinabi ni Naga City DepEd Superintendent Dr. Manny De Guzman na papaalalahan niya ang mga school heads ukol sa kalinisan, hindi lamang sa classrooms kundi sa kani-kanilang opisina. 

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Wala na ang 5 o’clock  habit dahil limitado pa ang oras ng mga lumalahok sa limited face-to-face classes gayunpaman kasama ang pagpapanatili kalinisan sa nasabing sistema.